
Ang sarap sa pakiramdam, pag yung taong mahal mo, mahal ka din. Yung lalaking, hindi magsasawang mahalin ka, kahit ano ka pa man. Hindi magsasawang, ipakita kung gaano ka niya kamahal. Tayo naman kasing mga babae, gustong makakita o makahanap na magmamahal sa kanila ng tapat. Yung sasabayan lahat ng trip mo, magpapipicute kayong dalawa, na kung ano anong pose. Tapos, yung wala ng hiyaan, kasi kilala niyo na yung isa’t isa. Ang sarap siguro ng ganun no? Lahat naman tayo makakahanap ng ganyan. Ang kailangan lang natin maghintay, sa tamang panahon at tamang oras.
HINDI KA NAMAN SI TAYLOR SWIFT PERO BAKIT IKAW ANG LAGING NASA ISWIFT KO?

Don’t be afraid to dream. Wag kang matakot, mangarap. Libre naman yan eh, kaya sulitin mo na. Lahat naman ng pangarap pwedeng maabot eh. Hindi nga lang siguro, ngayon, baka kasi hindi pa ito ang right time? Paano nga ba mangarap? Ito, yung isipin mo, kung ano yung gusto mo sa buhay mo. Walang limitasyon yan, lahat pwedeng mangyari, basta lagi mong iisipin ang Maykapal, habang ikaw ay nangangarap. Paano nga ba matupad ang pangarap? May mga pangarap na mahirap maabot. Pero, dapat walang susuko, kung gusto mo talaga itong maabot, wag ka kagad susuko. Hindi pagsuko ang solusyon. Maghintay ka lang, magsikap ka, mag-aral ng ayos, at manalig sa Maykapal. At, pag yon, nagawa mo, pihado ako ang iyong pangarap ay matutupad.

Girls side:
Hindi mo naman masisisi ang isang babae kung masabi niyang “pare-pareho lang yung mga lalaki” kasi nga madami ng babaeng nasaktan, pinaiyak, pinaglaruan ang nararamdaman at ginagawang 2nd option. Hindi mo masisisi ang isang babae kung bakit ganyan yung nagiging pananaw niya sa lahat ng lalaki at hindi mo masisisi ang isang babae kung bakit mahirap mag tiwala ulit ang babae sa lalaki. Kapag ang babae kasi nasaktan, yung pananaw niya sa lahat ng lalaki pare-pareho na at hindi na niya maiisip na may mga matitino pang lalaki kasi kung may matino pang lalaki, bakit madaming babae ang lumuluha at nasasaktan? Masyado kasing sensitive sa nararamdaman ang isang babae kaya kapag nasakatan siya ng isang lalaking sobra niyang minahal halos isumpa na lahat ng lalaki sa mundo at mahihirapan na siyang magtiwala ulit at ipagkatiwala ulit yung puso niya.
Boys side:
Para sa side ng lalaki masakit kasi masabihan na “pare-pareho lang lahat ng lalaki” siguro sa panlabas na anyo, Oo pareho pero sa panloob may mga lalaki padin kasing marunong rumespeto sa mga nararamdaman ng babae, may mga lalaki pa kasing kayang panindigan lahat ng sinasabi, may mga lalaki pa kasing marunong mag seryoso sa isang relasyon. Oo, madaming lalaki na manloloko sa mundo at bilang nalang yung mga lalaking matitino pero sana naman diba kilalanin niyo muna ng lubos yung lalaki bago kayo magtiwala at bago niyo ipagkatiwala yang nararamdaman niyo kasi kapag nasaktan kayong mga babae, lalaki palagi ang may kasalanan. Kapag may natapos na relasyon, lalaki agad ang may kasalanan sa mata ng karamihan. Kung tutuusin kawawa din yung mga lalaking matitino eh dahil nadadamay sila sa mga lalaking manloloko. Hindi naman mawawala ang mga lalaking manloloko dahil gusto lang talaga nila mabuhay na puro kalokohan lang. Yang mga taong manloloko marunong naman magmahal ng tapat yan eh kapag makikisabay yung babae.
Sa panahon ngayon hindi lang lalaki ang marunong mag loko pati na din mga babae. Gusto niyo bang masabihan din ng “pare-pareho lang kayong mga babae” ng mga lalaki? Diba hindi, masakit kasi yun eh. Yung nilalahat niyo pero may mga matiitno pa naman. Sa panahon ngayon kung anong kayang gawin ng lalaki kaya na din gawin ng babae katulad nalang ng panliligaw, pag eeffort at may mga babae na ding kayang paasahin ang mga lalaki at paglaruan.






